Jun 25, 2016

First Time Checking in at Marco Polo Davao

June 25, 2016

For the first time in my years of stay in Davao, makakapag check in na rin ako sa Marco Polo Hotel dito. Maraming beses na ako nakapasok ng Marco Polo dahil sa mga blogging and company events na naatenan ko na dati na dito hineld, pero ang pag check in o stay sa isa kanilang mga magagarang kwarto, this is going to be my first time, at hindi ako nag-iisa, kasama ko ang aking mag ina.

Ang Marco Polo ang pinakasikat na hotel dito sa Davao, kapag may mga bigating tao na dumadalaw dito gaya ng mga celebrity at pulitiko, sa Marco Polo sila madalas nagsi-stay. So kung magcheck-in ka rito, pwede mo na ring sabihing ka-level mo na sila at isa ka na ring bigatin. Hehehehe

Jun 24, 2016

Napanood Nyo Na Ba ang Bagong Voltron sa Netflix?

June 24, 2016

Maaaring alam mo na na may bagong reboot ng sikat na cartoon series noong late 80s and 90s na Voltron: Defender of the Universe na sa Netflix lang available. Kung tama ang pagkakaalala ko, simula pa noong June 10 inirelease ang sampung episodes nito sa Netflix.

Pinamagatan ang reboot na ito ng Voltron: Legendary Defender at yung unang episode ay isang oras daw ang haba, habang ang nalalabing sampu pa ay mga nasa 22 minutes each.

May 13, 2015

May 10, 2015

Pacquiao vs Mayweather 2? Kailangan pa ba ng Rematch?

May 10, 2015

Matapos ang naganap na kauna-unahang sagupaan sa pagitan nina Floyd Mayweather Jr at Manny Pacquiao nung May 3, sa tingin mo ba kakailanganin o gugustuhin pa natin ng isa pang laban?

Aaminin kong isa ako sa mga labis na natuwa nung araw na inanunsyo na pumayag nang lumaban si Mayweather sa ating Pambansang Kamao. Bakit hindi e base sa aking mga nabasa simula pa nung 2009 na unang pumutok ang balita na bakit hindi pagharapin ang dalawa, e puro si Mayweather ang may dahilan para sumangayon sa laban, na tila ba naduduwag siya kay Pacman. Ayon naman kay Floyd yung kampo ni Manny ang mahirap makipag sang-ayunan sa laban.

Apr 14, 2015

Can You Solve This Math Problem That Just Went Viral?

April 14, 2015

Kamakailan lang ay may kumalat na Math problem sa internet na agad naging viral sa mga social media sites gaya ng Facebook, Twitter at Instagram. Ang nasabing math problem ay nagmula sa Singapore na inihanda para sa isang kumpitisyon doon. Isa umanong guro ang nakakuha ng larawan ng tanong at ipinost sa kanyang social media account upang hingin ang masasabi ng ibang tao dahil siya at kanyang asawa ay nagtatalo sa kung ano ba talaga ang tunay na sagot. Hindi naman inakala ng nasabing guro na makukuha nito ang atensyon ng mga netizens sa iba't-ibang panig ng daigdig kasama na ang Pilipinas.

Mar 8, 2015