Matapos ang naganap na kauna-unahang sagupaan sa pagitan nina Floyd Mayweather Jr at Manny Pacquiao nung May 3, sa tingin mo ba kakailanganin o gugustuhin pa natin ng isa pang laban?
Aaminin kong isa ako sa mga labis na natuwa nung araw na inanunsyo na pumayag nang lumaban si Mayweather sa ating Pambansang Kamao. Bakit hindi e base sa aking mga nabasa simula pa nung 2009 na unang pumutok ang balita na bakit hindi pagharapin ang dalawa, e puro si Mayweather ang may dahilan para sumangayon sa laban, na tila ba naduduwag siya kay Pacman. Ayon naman kay Floyd yung kampo ni Manny ang mahirap makipag sang-ayunan sa laban.
Halos limang taon natin hinintay ang laban na to, limang taong takbuhan, habulan, sisihan, demandahan at palusutan. Tinawag pa ngang Fight of the Century. Minsan nag-iisip ako, baka sinadya talaga ng lahat para lumaki ng ganito ang atensyon ng laban. Pero wala akong pakialam, basta natuloy at si Manny ang mananalo, okay na ko.
Sigurado akong hindi ako nag-iisa. Marami sa atin ang gustong magulpi ni Manny si Floyd at iwanan ng 47-1 na record.
Bago pa ang araw ng laban at habang papalapit nang papalit sa nakatakdang petsa, kunh sinu-sino nang mga artista ang dumadalaw sa maglabilang kampo, sinu-sinong mga kilalang personalidad ang nagpupustahan kkung sino ang mananalo na may kasama pang pera.
Dumating ang araw ng laban, pataas ng pataas ang tension habang papalapit nang papalapit ang oras ng pagkikita at pagtutuos ng dalawang boksingero sa iisang lona.
At sa hindi inaasahang kalalabasan ng ilan, nagwagi si Mayweather via unanimous decision laban kay Pacman.
Marami ang nag-akala na talo na si Floyd at uuwing tagumpay si Manny. Pero nung inanounce na nung referee na "still undefeated..." marami ang nadismaya at kasama na roon si Manny Pacquiao.
Kung titignan ang laban, mas agresibo si Pacman kumpara sa ipinakitang gilas ni Floyd. Talagang aakalain mong si Manny ang nanalo. Kahit ang dating heavyweight champion na si Evander Holyfield nagsabi na dapt si Manny ang nanalo sa kadahilanang siya ang mas agresibo sa laban at si Floyd ang mas maraming powerpunch na natanggap, ganun daw ang boksing nung araw nila. Iba na ngayon. Is boxing dead? Yun ang sabi ng marami, simula pa nung unang laban nina Pacquiao at Bradley Jr.
Pero yun na yun. Talo ang Pambansang Kamao.
Kahit mainit na bakbakan ang ipinakitang performance ni Pacman, marami pa rin ang hindi natuwa sa kabuuhan ng laban, iyon ay sa tingin ko dahil sa paraan ng paglaban ni Mayweather, no power punches, less action, puro lang mga jab, yakap at takbo at dinaan lang sa score ang pagkapanalo.
Masyadong naging teknikal si Floyd at talagang naging maingat sa buong 12 rounds para masigurado ang tagumpay, ngunit hindi yun ang inasahan ng marami, kasama ako. Umasa tayong suntukan, rambulan, duguan at talagang bakbakan ang magaganap gaya ng mga laban sa pagitan ni Marquez at Pacquiao, pero hindi. Si Mayweather ay hindi katulad ni Marquez lumaban kay Pacman. Maraming eksperto ang nagsabi, si Mayweather ay isang atleta at hindi mandirigma.
Makaraan ang ilang araw, pagbubunyag ni Manny na nagkaroon siya ng injury sa kanang balikat sa gitna ng laban at operahan, ibinalita ng ESPN na willing daw si Floyd makipag-rematch pagkagaling ni Manny. Ngunit binawi rin agad ni Mayweather wala pang isang linggo, dahil daw nawala na raw ang respeto nya kay Pacquiao dahil hjndi raw handang tumanggap ng pagkatalo at idinadahilan pa raw ang kanyang shoulder injury.
Si Manny, malamang gusto ng rematch. Kilala namam natin si Manny, laban kung laban talaga kahit may pilay na, kahit alam nyang medyo tagilid siya sa mga kundisyunes ni Floyd.
Pero tayo? Tayong mga nanonood o nanood ng laban nung May 3 at nagbayad at nakita ang buong kaganapan, gusto pa rin ba natin ng muling paghaharap ng dalawa?
Maaaring iba ang sagot mo sa tanong na to, pero kung ako lang, tama na siguro. Malaki na ang nagawa ni Pacman para sa Pilipinas sa larangan ng boksing. Siya ang ang may titulo ng pagka-champion sa walong magkakaibang-division ng boksing at wala pang ibang nakakagawa nun, maski si Mayweather.
Okay na ang walang rematch dahil tiyak madidismaya na naman tayo sa kahihinatnan nun, malamang magiging gaya rin nung una. At kung pagbibigyan ulit natin sila ng rematch baka umabot pa tayo hanggang tatlo ( trilogy ) o higit pa. At tiyak ako na ganun pa rin ang senaryong matutunghayan natin, hindi masyadong katuwa-tuwa, baka mamaya nyan e kontrobersyal na naman.
Lagi kong sinasabi rati na makalaban lang ni Pacquiao si Mayweather, pwede na siya magretiro. Ngayon tapos na ang kagustuhan ko kahit pa natalo tayo, lalo na't hindi bakbakan ang ipinamalas ni Mayweather, okay na sa akin yun at magpahinga na si Pacman at sa pamilya na lang niya ibuhos ang kayang panahon.
Ikaw ano sa tingin mo? Tama na ba o isa pa?
Rematch sa Dec 31, 2024.
ReplyDeletePera2 laang kaya parang exibition rounds lang yan na gustong mapanood lalo ng mga Multi-Millionaire na manunugal. ✌️