Apr 14, 2015

Can You Solve This Math Problem That Just Went Viral?


Kamakailan lang ay may kumalat na Math problem sa internet na agad naging viral sa mga social media sites gaya ng Facebook, Twitter at Instagram. Ang nasabing math problem ay nagmula sa Singapore na inihanda para sa isang kumpitisyon doon. Isa umanong guro ang nakakuha ng larawan ng tanong at ipinost sa kanyang social media account upang hingin ang masasabi ng ibang tao dahil siya at kanyang asawa ay nagtatalo sa kung ano ba talaga ang tunay na sagot. Hindi naman inakala ng nasabing guro na makukuha nito ang atensyon ng mga netizens sa iba't-ibang panig ng daigdig kasama na ang Pilipinas.

Tignan ang larawan sa itaas ng nasabing suliranin at subukan mong hanapin o alamin ang kinakailangang sagot. Kung suko ka na maaari mong i-Google ang sagot, ngunit bago yan subukan munang sagutan. Maaari ring gamitin ang comment section sa ibaba kung nais mong ipaliwanag kung paano mo nahanap ang sagot mo.

Sa ibaba ang tagalog translation.

Naging bagong kaibigan nina Albert at Bernard si Chery, at gusto nilang malaman kung kailan ang araw ng kapanganakan ni Cheryl. Binigyan sila ni Cheryl ng sampung maaaring petsa ng kaarawan niya.

May 15        May 16        May 19
June 17        June 18       
July 14        July 16
August 14    August 15    August 17

Sinabi naman ni Chery kay Albert ang buwan ng kanyang kaarawan at petsa naman kay Bernard nang magkahiwalay.

Albert: Hindi ko alam kung kailan ang araw ng kapanganak ni Cheryl, pero alam kong hindi alam ni Bernard kung kailan.

Bernard: Nung una, hindi ko alam pero ngayon alam ko na.

Albert: Kung gayun, alam ko na rin kung kailan ang kaarawan ni Cheryl.

Kailan ang petsa ng kapanganakan ni Cheryl?


No comments:

Post a Comment