Jun 24, 2016

Napanood Nyo Na Ba ang Bagong Voltron sa Netflix?


Maaaring alam mo na na may bagong reboot ng sikat na cartoon series noong late 80s and 90s na Voltron: Defender of the Universe na sa Netflix lang available. Kung tama ang pagkakaalala ko, simula pa noong June 10 inirelease ang sampung episodes nito sa Netflix.

Pinamagatan ang reboot na ito ng Voltron: Legendary Defender at yung unang episode ay isang oras daw ang haba, habang ang nalalabing sampu pa ay mga nasa 22 minutes each.

Sobrang excited ako noong una kong marinig ang tungkol sa reboot project na ito ng Netflix, ang problema lang kahit ilan linggo na ang nakakalipas simula nang inilabas ito sa Netflix, e kahit isang episode ay wala pa akong napapanood. Busy masyado sa trabaho, sinasabi ko na nga bang nakakasira ng hobby ang trabaho (minsan) hahaha. At isa pa ay busy rin ako kakasubaybay sa Season 6 ng Game of Thrones. Yeah, mahilig ako sa mga ganitong klase ng pelikula at mga TV series, isama mo na ang The Flash. Kaya malamang alam mo kung gaano ako ka-excited tungkol sa Voltron na ito.

Ang tanong ko nga dati e, bakit ang Transformers e makakalimang pelikula na samantalang ang Voltron na sikat din sa mga batang lumaki sa Voltron e kahit isa wala? Mukhang narinig ata ng mga bathala sa pamunuan ng Netlfix ang tanong ko at naisipan nilang gawan ng reboot ito, para naman kahit papaano e maging masaya rin ang mga dating-batang tulad natin, hehehe, at para na rin mai-introduce ito sa bagong henerasyon.

Sa kasamaang-palad, wala pa nga akong napapanood na kahit isang episode sa bagong Voltron: Legendary Defender na ito, pero ngayong papatapos na ang Game of Thrones Season 6, at hindi pa naman magbabalik sa ere ang The Flash hanggang October, e heto na ang tamang pagkakataon na hinihintay ko para makapanood ng diredirecho ng Voltorn series.

Ngayon, ang tanong ko, kung napanood mo na, nagandahan ka ba? Pag-usapan natin sa comment section sa ibaba. Kung hanggat maaari e wag tayong magbanggit ng spoiler. Alam mo na. : )

Kung sakaling ngayon mo pa lang nalaman ang tungkol sa reboot na ito, tignan mo sa baba ang trailer at sana ay magustuhan mo rin at mapanood. 


Kung nagustuhan mo ang blog ko, please follow me on Facebook for future updates and posts na tagalog o taglish. : )

No comments:

Post a Comment