Feb 5, 2014

6 Types of People I Don't Like on Facebook



 Facebook is the biggest social networking site that is currently dominating the internet with a massive user base of around 1.1 billion around the world. Halos bawat taong kilala natin ay may Facebook account. From our ate, kuya up to the lolo and lola of our father and mother posibleng lahat sila ay may Facebook account at maaaring nagbabantay sa bawat share at post natin araw-araw. Minsan hindi na rin pala maganda kung sobrang dami nang may alam ng Facebook, minsan pakiramdam natin hindi pa man iniimplement ang Cybercrime Law feeling natin lagi nang bantay sarado mga post ng ating mga nakatatandang myembro ng pamilya.


Naalala ko tuloy yung isang post ng friend ko and it goes something like this.

Daughter saw her father on Facebook and they are already friends. Daughter posted an update "WTF, father is on Facebook!". The father saw his daughter's post and asked what WTF stands for. Daughter replied "Welcome To Facebook".

But that's not my topic here. I would to talk about the types of people I don't like on Facebook. At sigurado akong hindi lang ako nag-iisa sa mga taong ganito. Kung hindi ka agree, malaya kang gamitin ang comment section below at ipahayag ang iyong ipinaglalaban. Peace man.

1. Movie Spoilers: I really do not have a problem telling us that you have seen the latest and most talked about movie of the year. Ang nakakabanas lang palagi ay pati yung major twist ng film e ipinost mo na. tsk. tsk. Si ano daw at si ganito ay namatay at sad daw siya. Si ano ay ganito daw at si ganun ay ganyan daw. E yun din ang isa sa mga gusto mong mapanood at spoiler hater ka. Ano na lang?

2. Graphic Poster or Sharer: Malamang sa malamang naka-encounter ka na ng mga ganitong creature na kung saan mahihilig sila magpost or magshare ng mga naaksidenteng tao sa kalye na nagkagutay-gutay at duguan. O mga wala nang buhay na sanggol na itinapon kung saan. Heto yung mga larawan na hindi na dapat isini-share pa dahil hindi natin alam baka may mga friends tayo na may sariling pinagdaraanan na kaparahong scenario, masyadong sentibo yung mga ganun. Mas makabubuti pa na sa sarili na lang natin yung mga ganun. Isa pa ay yung mga nagsi-share ng mga video tapos pagtingin mo ay may nakagugulat at nakakatakot lang na mukha at tunog, mamaya may sakit sa puso ang nakapanood nun edi naging dahilan ka pa ng hindi magandang bagay sa taong yun. Tama di ba?

3. Curser: Yung mga Facebook friends natin na walang habas makapagmura sa mga posts nila. Hindi lahat ng tao sa ating friends list ay komportable sa mga nababasa o narirnig na mura. Yung ibang mga user e menor de edad. Isa pa hindi rin nakakadagadag ng respeto sa sarili natin ang pagmumura sa Facebook.

4. False Breaking News Releaser: Yung sigeng hit ng share button o post ng status about a breaking news daw na hindi man lang nagbobother na i-verify kung totoo ba o hindi. Naalala ko yung mga friends ko na nagpost agad ng kani-kanilang condolences, pagkalungkot at pagkadismaya tungkol sa maaga raw na pagpanaw ni Vhong Navarro matapos and insidente ng pambubogbog nila Cedric Lee. Nung icheck ko sa mga trusted sites wala naman palang katotohanan, alive and kicking na ulit si Vhong. Haay na lang. Meron pang isa na by midnight ay magkakaroon na raw ng accessing fee ang Facebook depende sa plan kung Bronze, Silver o Gold daw unless "i-share" daw sa wall ang nasabing balita before 11:59pm. hehehehe.

5. The Angry and The Brave, Kuno: Mga galit at matatapang. May mga inaaway, sinisermunan at pinagbabataan sa Facebook. Yung mga taong tinutukuy naman ay... 1. Hindi nila friend sa Facebook, 2. Once in a blue moon lang mag log-in or 3. Wala talagang account. Mga matatapang daw kuno, weh kung totoong matapang ka at gusto mong ipaalam yun sa mga Facebook friends mo na ikaw yung tipo ng tao na dapat ay hindi sinasaling, i-wall to wall mo yung tao o i-mention mo sa post kung friends kayo, and let the battle begin.

6. Reklamador:  Mga tao sa Facebook na nagrereklamong may pasok na naman daw sila, mapa-eskwelahan man o trabaho yan. Mga tanong nagtatanong kung bakit mas mabilis dumating ang Lunes kesa sa Biyernes. Mga nagrereklamong bakit pareho na naman daw ang ulam nila. Mga tao na sana raw iPhone 5s na lang ang iniregalo sa kanila ng daddy nila kaysa Galaxy S4. Hello people? Sabi nga ni Ted Failon, "Hoy Gising!".

Freedom to speak ba ika mo? Oo naandun na tayo pare-pareho, pero kalakip nyan ay ang pagiging responsable sa ating mga sinasabi at ikinikilos sa kahit saang lugar, online man yan o hindi. Hindi ba mas maganda sa pakiramadam kung ang mga sinasabi natin ay mga positibong bagay? Mga bagay na nakakatulong sa mga tao sa ating paligid? Mga bagay na nakakainspire sa kanila? Mga bagay na kapupulutan nila ng aral? Mga bagay na ikaw ang kanilang magiging modelo? Mga bagay na maipagmamalaki nila mula sayo? Hindi ba?

No comments:

Post a Comment