Alam nating ngayon ang kasagsagan ng usapin at eskandalo tungkol naganap na pambubugbog umano ng grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo kay It's Showtime host Vhong Navarro na naganap nitong huling bahagi ng Enero.
At kasabay ng kainitan ng usapan at pagtatalo-talo at kausyosohan ng mga netizens, marami ang naglalabasang mga video daw ng kung anu-ano na may kinalaman sa Vhong-Cedric-Denice case. Ang mga videong ito ay sa Facebook nagsisipaglipana, tinatarget nito ang mga Facebook users.
Ang pinakaunang video na lumabas sa Facebook ay yung nagsasabing nakunan daw sa CCTV yung actual na pambubogbog kay Vhong Navarro. Ang siste, bago mapanood ng user ang video kakailanganin muna raw i-share o/at i-like yung clip. Walang ibang option, sapilitan ika nga. Kung ayaw mo i-like o i-share hindi mo mapapanood. Dahil likas na mausisa ang mga Pinoy, marami sa mga friends ko sa Facebook ay shinare talaga ang video at ang dami nila sa wall ko.
Ang malungkot, hindi talaga yun ang mga video na sinasabi nila. At hindi lang yun, may mga ilang pang mga sumunod matapos ang ilang mga araw. Merong nagki-claim na kesyo umiyak daw sa isang interview si Deniece at umamin daw na iniipit lang siya ni Cedric. Meron namang nagsasabing yung video daw ay sex scandal nila Cedric Lee at Deniece Cornejo na galing daw sa laptop ni Cedric na nanakaw. Mga hindi naman totoo.
Bakit may mga ganitong scheme?
Unang nakikita kong dahilan ay para makakuha ng maraming pageviews or traffic sa website nila "illegally", meron ding iba na para makakuha rin ng maraming likes at syempre shares sa Facebook. May isang tech expert na nagsasabing, maaari itong isang paraan ng mga hackers upang ma-takeoever ang account ng isang target user o pwede namang magtanim ng isang virus sa computer ng sinumang user na magki-click sa link o magsi-share ng video. Kaya kailangan talaga na mag-ingat ang bawat isa. Lalo na kung hindi talaga, katiwa-tiwala ang mga website ng pinanggagalingan ng mga ito.
Ang una kong ginagawa ay tinitignan yung website ng kinalalagayan ng subject, madalas naman kasi kita agad sa ilalim ng thumbnail yung website e, at kung hindi familiar o dun ko palang nabasa hindi ko na agad pinapansin. Kung tingin ko naman ay isang big news o big names ang nasa video o news na nasa link, I make sure to check websites that are more reliable gaya ng ABS-CBN website or GMA news site para sa mga national news. Kung hindi naman ay nagsi-search ako gamit ang Google, kung wala sa Google o hindi nagmamatch ibig sabihin hindi valid yung subject.
Wag agad maniniwala sa mga iyon kung hindi naman talaga masyadong widespread yung laman ng video o balita. Always check more trusted sites. Mahirap na pag nahack ang account o ma-virus ang computer mas malaking inconvenience yun, ever.
No comments:
Post a Comment