Feb 4, 2014

300: Rise of an Empire Behind The Scenes [Video]


Warner Bros. released a 300: Rise of an Empire Behind the Scenes featurette where the producers and director Zack Snyder talk about this new Greco-Persian based movie. Si Zack Snyder yung director nung unang 300 movie na sina King Leonidas and his 300 brave Spartan men ang bida. Sa sequel na ito hindi na siya ang director dahil nung ginawang official ang second movie na ito ay nagka-conflict siya sa schedule nya dahil nung time na rin na yun ay nakapag-commit na siya sa "Man of Steel". Kaya ang pagdidirect ay napunta kay Noam Murro. Pero ang maganda nito ay producer pa rin si Snyder sa pelikulang ito at nagsilbi rin siyang parang consultant so may "touch" pa rin ito ng paborito kong direktor.

Ang totoo, hindi talaga ito sequel o prequel ng naunang 300. Bakit kamo? Dahil ang mga kaganapan sa pelikulang ito ay nangyari bago, habang at pagkatapos ng mga event sa unang pelikula. Ayon yan sa mga sumulat at sa mga nagsalita na rin sa featurette na ito. Panoorin nyo sa ibaba ang video.


Ito ang pinakapaborito ko nang pelikula sa lahat, sunod ang Titanic ni James Cameron. Noong una kong pinanood ang 300 nung 2007, piling ko nanonood ako ng Spolarium ni Juan Luna na gumagalaw. So parang animated Roman paintings inspired talaga ang dating sa akin ng movie na ito. Sa maniwala ka at hindi, sa mga sinehan lang mismo habang pinapalabas ito ay umabot sa 9 na ulit ko itong pinanood sa iba't-ibang sinehan sa magkakaibang araw over the course of its showing in the country. Nagkataon din na wala masyadong ibang palabas na maganda noong mga panahon na iyon. Mukhang tanga lang no na parang aksaya lang sa pera, but I liked and enjoyed it. Hindi pa dyan kasama ang hindi na mabilang na ulit kong pinanood iyan sa DVD at internet.

Isipin mo 2007 pa yung unang palabas nyan, halos isang dekada ang hinintay ko para lang sa sunod na movie. Literal na matagal talaga ang paghihintay, at ngayong halos abot kamay na ang Rise of an Empire, hindi na talaga ako makapaghintay. Alam kong hindi lang ako nag-iisa sa ganitong kalagayan, marami kami sa buong mundo. Kung magsasama-sama lang kami malamang kaparehas na namin ang mga "Immortals" sa pelikulang ito pag nagmartsa kami. heheheh.

Dahil sa sobrang adik ko sa unang pelikula at sa daming beses ko itong napanood, halos 98% ng kabuuang script nun ay kabisado ko na. Hindi ko nga rin pinalampas noong pinalabas ng TV5 ang tagalized version ng 300. Mabuti naman at hindi ako nadismaya sa pagkakatagalog nila, pasok pa rin sa banga para sa akin. Isa rin kasi iyon sa mga nagustuhan ko sa pelikulang to, yung kung papaano dinideliver ng mga actor lalo na ni King Leonidas (or actor Gerard Butler) ang kani-kanilang mga linya and sobrang strong ng script ng pelikulang ito. THIS IS SPARTAAAAAA!!!!! Syempre ang pinaka nagpa "inlove" talaga sa akin ay yung cinematography at special effects. See the official 300 trailer below when it was released back in 2006.


SPARTAAANS! TONIGHT WE DINE IN HELL!!

Noong kinumpirma na magkakaroon ng sequel, I was really hoping na si Zack Snyder ang babalik sa likod ng camera nito. Pero hindi. I was so disappointed when they announced Noam Murro, whom I really do not know and any of his films, would be directing the film. Medyo nabahala ako na baka biglang mag-iba ang rendering ng Rise of an Empire na ito. Dahil hindi ako naniniwalang may ibang kayang makagawa ng ginawa ni Snyder sa 300. Medyo na-relieve naman ako nung sinabing susubaybay pa rin si Zack sa development ng movie at iniorder na rin na gamitin ang mga style na unang nasaksihan sa 300. Until the first official trailer was released mid-2013, natuwa naman ako kahit papaano sa kinalabasan. Iba pa rin kasi yung pakiramdam na alam mong ibang direktor ang may gawa ng pelikula. 

I won't judge this 300: Rise of an Empire until I see the entire picture when it is released on March 6, 2014.

AHOO! AHOO! AHOO!


 Image and trailer source: 300 (Facebook page)

3 comments: