Jan 22, 2014

Wrong Spelling Wrong


Minsan nakakalungkot isipin na kahit hindi na pumapasok sa eskwela o tapos na sa pag-aaral at nagtatrabaho na e nagkakamali pa rin sa spelling. Ganun talaga ang tao e, hindi perpekto kaya okay lang na magkamali. Meron lang din talagang nakakatawang pagkakamali.

Ang larawan sa post na ito ay kuha ko mismo sa isang kainan ng pizza dito sa may syudad na kasakukuyan kong kinaroroonan. Nakikita mo ba ang mali sa pagbabaybay ng mga salita sa nasabing larawan? Hindi naman sa pagmamayabang o pangmamaliit ng tao, sa panahon kasi ngyon na ang internet ay accessible na sa halos kahit saan at sa halos kahit anung uri ng telepono o cellphone parang wala na dapat lugar ang pagkakamali lalo na sa spelling ng mga bagay-bagay na karaniwan naman.  


Pero malay mo kung nagkamali lang talaga at ang totoo e alam naman talaga ang tunay na spelling, ngayon ang problema naman sa maraming mga Pinoy e hindi man lang itinatama ang pagkakamali ng kapwa. Either walang pakialam or wala lang lakas ng loob magpuna at magtama, meron naman ilan nanlalait pa. Naalala ko tuloy nung bago pa lang ako sa isang trabaho na may kinalaman sa pagsagot ng telepono. Ang akala ko ay ang Prank Call ay Frank Call ang spelling at pagkakabigkas. Natatandaan kong maraming beses ko sinabi ang ganun salita sa harap mismo ng aking supervisor at mga katrabaho, ngunit wala namang naglakas ng loob na sabihan ako na Prank Call pala yun. Nakakahiya ako. hehehe.

No comments:

Post a Comment