Bilang isang batang 90s na nanirahan at lumaki sa isang pangkaraniwang "looban", ang tawag namin sa malaki at malawak na palaruan at teritoryo na rin namin noong aming kabataan sa Antipolo. Ang looban na ito ang nagsilbi naming saksi sa lahat ng mga bagay na nalaro na namin. Lahat kami ng mga kalaro ko ay naging taya, naburot, nandaya at nakalusot lahat yun saksi ang "looban". At isa sa mga laro na aming inabuso at inenjoy ay ang tumbang preso. Magpatuloy lang sa pagbabasa at ipapaliwanag ko sa inyo kung ano at paano nillalaro ang Tumbang Preso.
Ang larong Tumbang Preso ay isang outdoor sport o sa labas ng tahanan ito nilalaro, kahit anong lugar na flat ang surface at may kalawakan ay pwedeng-pwede na. Ilan ang maaaring maglaro nito? Ang totoo hindi ko alam at wala rin akong ideya kung saan nagmula ang larong pambata na ito o kung ano ang pinagbasehan nito. Siguro yung ibang mga mambabasa natin ay may alam tungkol dito o yung ating mga guro sa paaralan (MAPEH) malamang alam nila yun. Kung alam nyo paki-share na lang sa comments section sa ibaba para na rin sa ating ibang mga mambabasa. Nung mga panahon na nilalaro namin ito ay wala naman talagang dapat na bilang ang dapat maglaro minsan nga umaabot kami ng dalawampung katao, pero kung sa pinakakaunting bilang massasabi kong siguro dapat mga tatlo. Sa tatlong yun, isa sa kanila ang magiging taya.
Ano ang mga gamit sa larong ito?
1. LUGAR: Gaya nang nabanggit sa itaas, isang lugar na medyo malawak. Itong lugar na ito, mas mairerecommend ko na dapat ay hindi madulas dahil isa sa mga mekaniks ng larong ito ay habulan o takbuhan. Kung lupa ang lugar o hindi sementado mas panalo yun.
2. LATA: Ito siyempre ang pinakamahalaga sa lahat, lata. Dati bago kami mag-aya ng larong ito sa looban, sinisigurado muna naming may nahanap na kaming latang gagamitin. Maaaring nagtatanung ka kung anong uri ng lata ba ang dapat gamitin? Nung panahaon namin, madalas naming gamiting ay yung lata ng Alaska. Dahil ang latang ito ay saktong-sakto ang taas at lapad nito. Kung nag-iba na ang hugis ng lata ng Alaska ngayon, tignan nyu na lang yung larawan sa itaas. Ganun na ganun ang hugis nun. E yung lata nang sadinas o lata ng Century Tuna na halos flat na? Pwede rin naman, pero mas maganda talagang gamitin ang kahugis ng lata ng Alaska. Mamaya sa ibaba malalaman nyo kung bakit.
3. TSINELAS: Ito ang magsisilbi mong pamato para patumbahin yung lata. Ito rin ang magsisilbi mong buhay sa kabuuhan ng laro. Dapat isang tsinelas kada manlalaro lang ang pwede. Minsan sinubukan din namin ang dalawa o isang pares. Hindi namin nagustuhan.
Meron lang kayo ng tatlong mga nabanggit sa itaas ay handang-handa na kayo.
Ang mekaniks ng laro. (Mahaba-habang paliwanagan ito).
Bago mag-umpisa kakailanganin muna ng mga manlalaro ang pumili ng taya. Ang taya, siya yung (buburutin) hehehe. Siya ang magbabantay sa lata o sa preso. Ang layunin o goal niya ay mapanatili ang lata na nakatayo sa isang bilog at tayain ang mga iba pang manlalaro habang nirerecover nila ang kanilang mga pamato. Paano ang pagpili ng unang taya? Napakasimple, gamit ang mga palad, "Maiba Taya". O kaya naman ay, "Gumaya Saken Taya", isang secondary rule sa Maiba Taya.
itutuloy...
Image source: deviantart.com
ANG TUMBANG PRESO AY NAG-MULA SA "SAN RAFAEL,BULAKAN" SANA MAKATULONG😊
ReplyDelete