Napagtanto ko na hindi pala nag-uumpisa sa pag-aaral magsulat ng pangalan at nagtatapos sa graduation day ang pagiging estudyante.
Bago pa man tayo natutong humawak ng lapis at gumamit ng pambura ay naging mag-aaral na tayo ng ating mga magulang lalo na ng mga ina natin. Magmula sa pagdapa, paggapang, paglakad, pagsambit ng mama at papa hanggang sa tamang pag "close-open" ng mga kamay at pagpapacute gamit ang "beautiful eyes" teknik ay naging magaling na estudyante tayo.
Buong buhay-eskwelahan natin ay pare-pareho tayong nag-akala na sa araw ng pagtatapos ay iyon din ang magiging huling araw ng ating pagiging mag-aaral. Lagi talagang mali ang akala.
Totoo rin pala ang sabi-sabi na iba ang buhay sa labas ng silid-aralan. Dahil sa classroom, lesson muna ang tinuturo bago ang exam habang sa totong buhay nama'y pagsubok muna bago ang aral. Ang goal sa parisukat na kwarto ng karamihan ay maipasa ang pagsusulit, walang may pakialam kung natuto ba talaga sa leksyon. Sa bilog na mundo naman ay pinakamahalaga ang matuto tayo matapos ang isang real-life quiz dahil kung hindi, liban sa iisahan pa ulit tayo ng pagkakataon e mas mahalaga ang naaaksaya, panahon.
Ang exam sa school dapat ay one seat apart from each other. Bawal manghingi o mamigay ng sagot (pag nahuli lang naman hehe), we are on our own ika nga. Sa totoong buhay naman, we have all the time and freedom to ask for our friends' help and advise, pwedeng mangopya at makinig sa sasabihin ng iba, pero we are still on our own.
Hindi rin maiwasan na kahit wala na tayo sa loob ng silid na may apat na pader e ang ilan sa atin ay nananatili pa rin slow learner habang ang iba ay sakto lang. May mga pabibo pa rin at kahit papano ay mas kakaunti ang mga sipsip.
Sabi pa nga ni friend ko e ang pinakamahirap at pinakamasaya raw na real-life subject ay ang "Pag-ibig". Agree!
Hanggang sa paggising natin bukas, sa mga susunod na araw, buwan o taon, mananatili pa rin tayong mga estudyante.
Ang goal? Matuto at hindi lang basta ipasa.
No comments:
Post a Comment