Bilang isang batang 90s na nanirahan at lumaki sa isang pangkaraniwang "looban", ang tawag namin sa malaki at malawak na palaruan at teritoryo na rin namin noong aming kabataan sa Antipolo. Ang looban na ito ang nagsilbi naming saksi sa lahat ng mga bagay na nalaro na namin. Lahat kami ng mga kalaro ko ay naging taya, naburot, nandaya at nakalusot lahat yun saksi ang "looban". At isa sa mga laro na aming inabuso at inenjoy ay ang tumbang preso. Magpatuloy lang sa pagbabasa at ipapaliwanag ko sa inyo kung ano at paano nillalaro ang Tumbang Preso.
I found this video on YouTube and this twins cutefully and wonderfully sang Disney's Frozen's "Let it go". This newest Disney's movie is so popular and made a box office hit. Songs that are sung in this movie are also popular not just in social media sites but also on many YouTube users where they create their own version of it. And one of those is this one. Watch and enjoy.
Napagtanto ko na hindi pala nag-uumpisa sa pag-aaral magsulat ng pangalan at nagtatapos sa graduation day ang pagiging estudyante.
Bago pa man tayo natutong humawak ng lapis at gumamit ng pambura ay naging mag-aaral na tayo ng ating mga magulang lalo na ng mga ina natin. Magmula sa pagdapa, paggapang, paglakad, pagsambit ng mama at papa hanggang sa tamang pag "close-open" ng mga kamay at pagpapacute gamit ang "beautiful eyes" teknik ay naging magaling na estudyante tayo.
Minsan nakakalungkot isipin na kahit hindi na pumapasok sa eskwela o tapos na sa pag-aaral at nagtatrabaho na e nagkakamali pa rin sa spelling. Ganun talaga ang tao e, hindi perpekto kaya okay lang na magkamali. Meron lang din talagang nakakatawang pagkakamali. Ang larawan sa post na ito ay kuha ko mismo sa isang kainan ng pizza dito sa may syudad na kasakukuyan kong kinaroroonan. Nakikita mo ba ang mali sa pagbabaybay ng mga salita sa nasabing larawan? Hindi naman sa pagmamayabang o pangmamaliit ng tao, sa panahon kasi ngyon na ang internet ay accessible na sa halos kahit saan at sa halos kahit anung uri ng telepono o cellphone parang wala na dapat lugar ang pagkakamali lalo na sa spelling ng mga bagay-bagay na karaniwan naman.