Feb 4, 2014

Drew Arellano and Iya Villania Wedding [video]


Marami ang magkasabay na nagulat at natuwa nang kumalat sa internet at social media sites ang tungkol sa kanilang pagpapakasal na matagumpay na naitago sa media at mga tao. Ayon sa mga news site, sa Meditation Point, Kawayan Cove sa Nasugbu Batangas noong Byernes. Sa may Bamboo Club naman ginanap ang reception. 

Makikita sa mga video na dinaluhan lamang ito ng mga piling kaibigan at kapamilya.




Umabot din sa halos sampung taon ang kanilang pagiging magnobyo at nobya bago humantong sa kasalang ito. Magsisilbi itong inspirasyon hindi lamang sa mga magsing-irog bagkus sa mga mag-asawa na rin na kahit ano mangyari, hanggat nagmamahalan at nagtutulungan sa relasyon ay may maganda itong mararating. At totoo ang love story sa mga Pinoy celebrity at hindi lamang puro mga pasikat at hindi naman nagsisitagalan.


Mabilis na kumalat sa social sites gaya ng Facebook at Twitter ang balitang ito kalakip ng mga wedding videos at photos ng dalawa na siya namang obra o gawa ni Jason Magbanua ayon na rin sa account nito sa Vimeo.

Sa tingin ko ay marami rin, hindi lang natuwa, kundi mga nainggit ding mga kababaihan diyan nang mapanood ang wedding na ito, paano'y nakakatuwa naman talaga ang dalawa. Halos wala masyadong kontrobersya ang naibato kina Drew at Iya. At higit sa lahat sino ba naman ang ayaw ng ganitong klaseng kasalan, kahit ata mga kalahi ni Adam na tulad namin ay naghahangad din ng ganito balang araw kasama ang aming minamahal na Eba.

No comments:

Post a Comment