Jun 25, 2016

First Time Checking in at Marco Polo Davao


For the first time in my years of stay in Davao, makakapag check in na rin ako sa Marco Polo Hotel dito. Maraming beses na ako nakapasok ng Marco Polo dahil sa mga blogging and company events na naatenan ko na dati na dito hineld, pero ang pag check in o stay sa isa kanilang mga magagarang kwarto, this is going to be my first time, at hindi ako nag-iisa, kasama ko ang aking mag ina.

Ang Marco Polo ang pinakasikat na hotel dito sa Davao, kapag may mga bigating tao na dumadalaw dito gaya ng mga celebrity at pulitiko, sa Marco Polo sila madalas nagsi-stay. So kung magcheck-in ka rito, pwede mo na ring sabihing ka-level mo na sila at isa ka na ring bigatin. Hehehehe

Pero paano mga ba ako nagkaroon ng pagkakataon makapag check-in dito? Hindi ko na sasabihin, pero halata naman na may kamahalan ang pagstay sa ganitong klaseng hotel, magkano? Ang totoo wala akong ideya. Ang tototoo, napanalunan ko lang ang voucher na gagamitin ko sa pag stay na to. Bale member kasi ako ng Davao Bloggers Society dito sa Davao (obviously), the only and official group of local bloggers in this beautiful city from the south. Nanalo ako ng overnight stay at Marco Polo during our Christmas party last year, e ngayon lang nagkaroon ng free time ang buong pamilya para magcheck in. We are excited.

Wait for my new post tungkol sa stay na to with matching photos and probably videos. Ang alam ko ay may swimming pool access sa package namin, so I better take advantage of that and ready my swimming gear, and by that I mean my super iksi na shorts, hahaha.

Kung nagustuhan mo ang blog ko, please follow me on Facebook for future updates and posts na tagalog o taglish. : )

No comments:

Post a Comment